|
Friday, July 06, 2007

\LOSS.
bokalist.

nakakalungkot ang linggong ito. nagsimula ng maganda ang linggo ko. BIOMAS induction: marami sa mga hawak ko na freshie bio ang pumunta ^^, at ang mga 'pinilit' kong blockmates e nagpakita naman. Pagkakaalala ko, hindi ako nagDOTA nun. mabaet na ata ako.

Linggo ng gabi, pumunta kami ng laguna. ako. pao. noel. dale. gome. namatayan ang kaklase namen. At kahit gabi na, minabuti naming pumunta. wala na kasing libreng oras. isa pa, mabuti na ding magpakita kahit 'ilan' sa block. nakakalungkot dahil bunso ang kaklase ko, at nakwento nya pa na hindi siya close sa dad niya. na ngayun ngayun lang. sabi niya pa samen, 'Kaya kau mahalin nio tatay nio. Hindi nio alam...' Sa mga sandaling yun, alam kong posible akong maiyak, nakakalungkot na mula hs at college, bihira kami magbonding ng tatay ko. ung tunay na bonding. ewan. nasasayangan ako.

at isa pa sa mga hindi malilimutan sa linggong ito ay somewhere between e bigla kami naholdap. First time ko maholdap. makaranas ng holdap. sa sasakyan sa EDSA. Pagdaan sa Libertad, ayun na, nakuhanan na ang marami samen. dalawa lang kame ni pao na hindi nakuhanan. Una dahil mabilis ang adrenaline rush (naitago ko sa likuran ng upuan ang cp ko ^^) at ikalawa dahil focus sa isa namiing kasama na nakaformal attire kaya di kami napansin. May dalang panaksak. may ice pick pa. Badtrip. paguwi ko, ambilis ng heart beat ko. dududug. dugdug.

pagkatapos maraming exam na dumaan. sa plant anat. sa invert lab. at genetics. maganda ang nagawa naming slide ng mitosis. Unti unti nararamdaman kong tinotoxic kami ng db dahil kada subject e gumagawa kami ng matitinong slides for microscopy. ang mga tinitignan ng mga estudyante, ginagawa namen. haaay. mula halaman. protozoan. anay. hanggang sa chromosomes.

inaantok ako. pero ayoko matulog. gusto ko namnamin ang lamig. gusto ko hanapin ang sarap. sarap na hindi ko naranasan ngayong linggo. at maski sa susunod na linggo. :C



Buti Andito Ka.

`postedat
9:14 AM.


read.
speak.
exits.
about.