|
Tuesday, October 23, 2007

GROWING.
bokalist.


panu mo malalaman? panu mo mahahalata? change. it all comes to that after all. sa huli, hindi yung pinakita mo ang siyang matitimbang, kundi ganu ka nagbago. ganu ka nageffort magbago. at kung may nagawa ba ang pagbabago. sayo. sa kanya.

tignan ang mga pagbabago.

sa baranggay: ang mga mukhang magsisipagtakbo ngayong eleksyon. kabataang magkakatropa na hindi ko alam kung capable ba na maglingkod, pero alam kong may lakas ng loob. hindi biro ang gumastos, magdoor to door at magmotorcade kahit na isang subdivision ang baranggay namen.

sa sementeryo: ang mga nitsong minsan isang taon lamang dalawin, at minsan lang sa isang taon pagandahin at linisin.

sa telebisyon: ang shifting ng teleserye, sa mga fantasy, sa action, sa suspense. ang paniniwala ng mga direktor na mahina magisip ang mga pilipino (mula nun hanggang ngayun) kaya ganito at ganito lang ang napapanuod natin. mula balita, tatalun sa alien, at pagkatapos hebi drama, at susundan naman ng humahabang nilalang. what in a world.. at di pa riyan tapos, sasamahan pa yan ng mga sumasayaw na tagaibang planeta.. uli.. sasamahan pa yan ng sumasayaw na trying hard na mga taga ibang planeta, kalaban ang mga kadugo ni shaider, at tatambakan ng biglang mexican na korean, at magtatapos uli sa balita. ang pagbabago? ay nasa time slot lamang.

at sakin? hindi ko alam. kung tumalino man ako o kabaligtaran. marahil, hindi ko pa masusukat. sa bawat araw na dumaraan, sa bawat pamasaheng nasasayang, at sa popsicle ice cream na natutunaw, lahat daw tayo ay may pagkakataon na magbago.. magpakatotoo.

sa ngayon, hahayaan ko muna maramdaman ko ang pagbabago.
bago ko harapin ang nakalatag ng plano sa buhay ko.
1 year from now.. 5 years... 10 years...

a changed man.

`postedat
11:39 PM.


|
Sunday, October 07, 2007

ME.
bokalist.


take me.
don't lose me.

^^

lumalakas ang ulan.
just too tired.
lakas.

`postedat
5:49 AM.


read.
speak.
exits.
about.